Computer Science
Sa mga panahon ngayon halos lahat ng tao ay gumagamit ng computer sa komunkasyon, paggawa ng assignment, paglalaro ng computer games, paggawa ng computer programs o software, atbp. Pero ano nga ba ang Computer Science?
Ang Computer Science (pinaikli na bilang CS o Comp Sci) ay isang disiplina na nagfofocus sa teorya at kasanayan. Ito’y nangangailangan ng abstract at konkretong pagiisip, ang praktikal na paraan sa pag-compute ay makikita kahit saan. Ngayong mga araw na ito lahat ng tao ay isang “computer user”, at maraming tao ay “computer programmers”. Para magawa ng mga computer ang nais mong paggawa sa kanila kinakailangang magkaroon ng “intensive hands-on experience”, ngunit ang Computer Science ay puwedeng makita sa mas mataas na antas bilang agham ng paglutas ng problema.
Lingid sa kaalaman ng mrami ang Computer Science ay hindi isang bagay na bago at inuugnay ito sa internet at mobile lamang. Ang pundasyon ng disiplinang ito ay naitatag ilang dekada na nakalipas na mula sa simpleng calculator at mga simpleng paggamit na pagkuwentang mga equation. Ito ay hindi hanggang sa ang 1940's, bagaman na ang ideya ng isang solong computer na magagawa ng upang pangasiwaan ang maramihang mga programa at mga command unang naging popular. Kahit pagkatapos, ang pariralang "Computer Science" ay hindi talaga pasok bokabularyo ng sinuman hanggang sa huling bahagi ng 1950's . At hanggang ngayon, isa na ito sa mga nangungunang disiplina dahil sa nakakatulong ito para maisaayos pa lalo na ang pamumuhay ng tao.
Ang Computer Science ay may matibay na kaugnayan sa iba’t ibang disiplina. Maraming problema sa agham, engineering, health care, business, at iba pang disiplina ay nalulutas ng epektibo sa mga computer, ngunit ang paglutas ng problema ay kinakailangan ng kadalubhasaan sa Computer Science at kaalaman sa praktikal na aplikasyon. Kaya ang mga Computer Scientist ay mas may kaya sa ibang asignatura. Ang mga espesyalidad ng Computer Science ay computer architecture, software systems, graphics, artifical intelligence, computational science, software engineering, atbp. Sa bawat espesyalidad ay may kani-kanilang mga hamon.
Ang mga mag-aaral ng Computer Science sa mga unibersidaday puwedeng magtrabaho bilang programmers, computer engineer, System analyst, atbp. Marami sa kanila ay mga tagasulat ng code para sa Internet o para sa mga software companies, ang iba naman ay magiging I.T. Troubleshooters na tutulong sa mga gumagamit ng computer para malutas ang problema nam may mas bisa para sa personal man o pangtrabahong computer.
Sa ilalim ng disiplinang ito ay nahahati sa iba’t ibang pang teyortikal at praktikal na disiplina. Ang ilan dito, tulad ng computational complexity theory na naggagalugad ng mga pangunahing katangian ng problemang pangkwenta na kung saan ay puro abstract lamang. Ang iba naman tulad ng computer graphics ay nagbibigay diin sa reyalidad at mga aplikasyon nito.
Karamihan sa mga tao ngayon ang tingin sa computer science ay isang bagay na bago at inuugnay ito sa mga mobile at internet . Lingid sa kaalaman ng karamihan, ito ay hindi para sa mga nabanggit lamang. Ang pundasyon ng disiplinang eto at naitatag ilang dekada na o siglo ang nakakaraan na mula sa mga simpleng calculator at mga simpleng gamit para magkwenta ng equations