Kalagayan ng
Computer Science
sa
PILIPINAS
Sa dating panahon ang computer ay parang isang malaking makina lamang ngunit habang tumatagal unti-unting umuunlad ang teknolohiya sa pilipinas. At isa sa kontribyutor sa pagunlad ng teknolohiya ay ang Computer Science. Ang Computer Science ay in demand na kurso sa pilipinas dahil malawak ang sakop nila sa pamamagitan ng pagawa ng software.
Ang Computer Science sa pilipinas taon-taon halos sampung libo ang nakakatapos ngunit mga sampung porsyento lang ang madaling makahanap ng trabaho. Samantala sa syamnapung porsyento walang magandang trabaho (Likha Cuevas-Miel 9 Oktubre, 2012).
Ayon sa (Payscale , 25 Agosto, 2013) mga Ang suweldo ng Computer Science umabot mula Php 200,000 / taon hangang Php 300,000 / taon para s first timer(1 taon hangang 4 taon sa serbisyo). Php 600,000 / taon para sa sanay o magtagal na sa serbisyo(5 taon hangang 9 taon sa serbisyo). At Php 800,000 / taon hangang Php 1,050,000 / taon para sa dalubhasa o eksperto(10 taon o higit sa serbisyo).
May ibang kompanya ngayon nag-aalok ng mga computer science at ibng may kaugnay sa computer para sumali sa programa ng kompanya tulad ng Microsoft, Google, Cisco, Mozilla, at iba pa. Iito ang pagkakataon sa mga estudyante na maranasan ang buhay ng empleado, libreng sangguni na hindi natuturo sa akademya, libreng produkto (ngunit hindi lahat ng kompanya ay nagbibigay nito). Ito ay iilang halimbawa na programa Microsoft Student Partner o MSP, Google Student Ambassador o GSA, Firefox Student Ambassador o FSA, at Cisco Student Ambassador o CSA.
Ang MSP o Microsoft Student Partner ay programang pagtuturo sa buong mundo upang isponsor sa mga mag-aaral na may kinalaman s teknolohiya. At nagbibigay kaalaman din sila tungkol sa teknolohiya ng Microsoft tulad ng Microsoft Office 2013, Windows 8, Microsoft Visual Studio 2013, Windows Mobile, at Windows Asure. Maraming bansa na mayroong programa nito. Lahat ng mag-aaral sa kolehiyo ay pwedeng sumali dito at kung natangap, inaasahan sila na magbigay kaalaman sa kapwa MSP nila. Bukod dun may pakikinabangan nila yung mga produkto ng Microsoft.
Ang Firefox Student Ambassador ay mga indibidwal madamdamin tungkol sa Mozilla at taasan ang kamalayan tungkol sa mga benepisyo ng firefox at iba pang produkto ng Mozilla. Malikhain at maparaan, ang Firefox Student Ambassador ay humantong ng mga kompanya at mga proyekto sa kanilang kolehiyo at komunidad upang hikayatin sa mga estudyante na tumulong sa Mozilla(at gamtin ang kanilang produkto).
Ang Google Student Ambassador ay isang pagkakataon para sa estudyante upang kumilos bilang pag-uugnayan sa pagitan ng Google at ang kanilang unibersidad o kolehiyo. Ang mga Google Student Ambassadors ay natutunan nila ang mga makabagong produkto ng Google. Sila din ang ng plaplano at naghahanda ng mga masayang events. Sila ay kumikilos bilang campus contact para sa Google team. At sila din ay tumutulong sa Google para maintindihan nila ang kultura ng mga unibersidad.
Importante rin sa mag-aaral ng Computer Science ang certification tulad ng Java certification, C# certification, networking certification, at iba pa. Ito yung nagpapatunay na magaling sa larangan ng programming. Isa din to sa binabasihan sa pagtatangap sa trabaho.
Sa ngayong panahon ang Computer Science sa pilipinas ay umunlad. Sana maipatuloy pa ang progreso natin.
Sa paglipas ng panahon, parami na ng parami ang mga kumukuha ng propesyon na may kinalaman sa teknolohiya dito sa Pilipinas. At sa paglipas ng iba't ibang henerasyon, marami na rin ang pagbabago sa kaalaman ukol sa teknolohiya na nalalaman ng mga Pilipino. Noong taong 2011, nakatanggap ang Commission on Higher Education o CHED ng ilang reklamo ukol sa kurikulo at mga gurong nagtuturo ng mga kurso sa computer science. Dito nagsimula ang pagtutok ng ilang sektor sa isyung ito upang mapalago at mapaangat ang ranko ng Pilipinas sa industriya ng pagbuo ng software. Nagkaroon ng pagganyak ang mga kinauukulan upang mas magbigay at magbuo ng mga magagaling na empleyado. Ang mga kurikulo umano ay hindi ganoon kasapat at ilan sa mga guro ay hindi rin sapat ang kaalaman sa pagtuturo ng mga kursong kinukuha sa computer science.
Sa taong rin iyon nagbigay ng komento ang ilang eksperto at kilalang mga kompanya sa Pilipinas ukol sa isyung ito. Ayon sa yahoo.com.ph(2011) sinasabi ni Martin Legaspi na ang kanilang grupo ay gumagawa ng paraan upang mapaganda ang estado ng computer science sa atin bansa. Noong taong rin iyon nasabing marami ang nakapagtapos ng kursong computer science ngunit wala pa sa "minimum required skill" ang mayroon sila upang magkaroon ng trabaho kung kaya't hindi lahat ay nakakakuha kaagad ng trabaho pagkatapos mag-aral at ang ilan sa kanila ay may kinukuha pang ilang pagsasanay para sa ilang buwan upang pumasa at umabot sa batayang estado ng pagiging empleyado. Sinabi rin ni Legaspi na ang Pilipinas ay nakakatanggap ng mas mataas na pangangailangan sa industriya ng teknolohiya at pagpapalago ng software ng mas higit pa sa kakayahan nitong asikasuhin. Sinabi rin niyang mayroon malaking agwat ang kakayahan ng mga nakapagtapos ng computer science sa kakayahan na kailangan ng industriya.
Ngayong taong 2013, masasabing malaki ang paglago ng computer science at pagbuo ng software. Mas nakakapagbigay na rin ng mas dekalidad na empleyado ang mga unibersidad; nakakapagbigay na sila ng mga empleyadong may higit na kakayahan pa kaysa sa kinakailangang kakayahan upang magtrabaho. Ngayon ay isinasaalang alang na ng ibang kompanya maging ng mga kompanya sa ibang bansa ang mga Pilipino para sa pagbubuo ng mga software para sa kani-kanilang samahan sa hanap-buhay. Kung kaya't masasabing tumataas rin ang kakayahan ng Pilipinas makipagkumpitensya sa internasyonal na industriya ng teknolohiya. Bukod rin umano sa kakayahan ng mga Pilipino sa pagbuo ng software, masasabing mataas rin ang kanilang kakayahan sa pagintindi ng salitang Ingles. Napakaganda umano ng epekto ng pagtutulungan ng gobyerno, industriya at mga unibersidad ubang makabuo ng isang matibay at magandang Pilipinas na nakakapagtustos ng magagaling at praktisadong empleyado na pwedeng pangkompitensya at magpataas ng ranko ng Pilipinas sa larangan ng pagbuo ng software. (inquirer.net, 2013)
May malaking pagbabago na rin ang nangyari sa loob ng isang taon kung ikukumpara sa ngayon. Kung nung 2012 ay pang-apat ang Pilipinas sa "outsourcing destination" sa buong mundo, ngayon ay tumaas ng isang ranko ang bansa at naging pangatlo na ayon kay Calen Legaspi habang nasa Technopreneurship Summit ng Go Negosyo. (orangeandbronze.com, 2013) Kaniyang nakalap ang datos na ito mula sa taunang pagraranko ng Tholons. Ang tholons ay isang kumpanyang nagririserts ukol sa pandaigdigang pagtutustos ng mga praktisadong empleyado sa industriya ng teknolohiya. Kung kaya't mas paiigtingan ang pagsasala sa mga nagtatapos ng computer science upang mas umangat, lumaki at dumami ang maiaambag ng mga Pilipinong nagtatapos sa computer science kumpara sa mga nakaraang taon.
Sa ngayon, kapag ating ipagkukumpara ang teknolohiya sa Pilipinas sa teknolohiya sa iba’t ibang bansa sa mundo, mapapansin natin na ang ating bansa ay nasa may kalagitnaan lamang ng mga bansa o sa ika nga sa ingles ay “in the middle of the pack”. Hindi natin maisasabi na tayo ay ang nasa pinakamataas kasi hinding hindi natin kayang ipagkumpara ng magkalapitan ang teknolohiya ng nasa Hapon sa teknolohiya sa ating bansa. Mas lalo naman nating hindi maipagkakaila na mas angat tayo sa teknolohiya sa iba ring ikatlong mundong bansa na katulad ng Africa.
Ngayon, ang Computer Science sa Pilipinas ay parang lamang din ng sa kalagayan ng teknolohiya natin, ito’y nasa palagitnaan lamang. At kapansin-pansin rin na ang ating bansa ay pakonti-konting umaangat sa larangan nito.
Taon-taon nga nagkakaroon ng itinatawag na “Philippine Computing Science Congress” sa pagpupulong na ito ay mayroon silang napakaraming pinag-uusapan ukol sa teknolohiya at sa Computer Science. Lahat ng kanilang ipinag-uusapan doon ay ukol sa pagpapaganda at paglalaganap ng Computer Science sa ating bansa at sa buong mundo. Ilan lamang sa kanilang pag-uusapan doon sa pagpupulong na iyon ay ang algorithms, edukasyon sa Computer Science, Database at Information Systems, Cellular Data, Internet Technologies, E-learning, networking, at marami pang iba. At dahil rin sa pagpupulong na ito ay kapansin-pansin na naaayos ng mga iyan ang ating mga problema ukol sa teknolohiya. Ngunit hindi lamang ang pagpapaayos nito ang kanilang naigagawa dahil ito rin ay kanilang ipinapalaganap. At akalain mo ang kanilang pagpupulong ngayon sa taong ito ay ang kanilang labing tatlo na.
Isa rin sa mga kapansin-pansin na bagay sa ating teknolohiya at pagka-angat sa Computer Science ay ang paggamit ng mga Pilipino ng Internet. Ayon nga sa artikulo ni Matikas Santos sa Inquirer.net na mas marami na ang mga kabataang Pilipino na nakakonekta sa internet kaysa sa mga kabataang Pilipino na nakikinig ng radyo, nagbabasa ng diyaryo, at mga magasin. At dahil rin sa mga istatistikang ito pwede nating maisabi na mas mabilis at mas epektibo ang pagpapalaganap at pagkakalat ng impormasyon ang mangyayari kung ang ginagamit ay ang kompyuter at ang internet lalo na kapag ipagkukumpara ito sa mga makalumang uri ng pagkalat ng impormasyon katulad ng radyo at diyaryo.
Kapansin-pansin na nga talaga na tunay nang umaangat na ang Pilipinas sa mga larangan ng teknolohiya at Computer Science. Ito ay katulad lamang noong nakaraan na eleksyon kung saan mayroong iginamit na mga makinarya ang pamahalaan para sa pagbilang ng mga boto. Maayos nga na umaangat tayo sa paggamit ng teknolohiya at sa siyensiya sa kompyuter subalit kapansin-pansin rin ang mga anumalya na nangyari nung oras na iginamit itong teknolohiyang ito.
Ayon nga kay Amado P. Macasacet na isang manunulat sa Malaya.com.ph, “Technology has no place in a country that does not have the materials that can use that technology” o kung ating ipinasimple sa ating wika ay, walang saysay ang teknolohiya sa isang bansa kung hindi naman marunong sa tamang paggamit ang mga taong naibigiyan nito. Ang problemang ito rin ay naibanggit na ng ating pangulong si Benigno Simeon Corazon Aquino III sa kanyang SONA noong hulyo nitong taon lamang, ang kanyang isinabi tungkol dito ay ang “Subalit hindi po sapat ang basta pagbibigay lang ng makabagong gamit at teknolohiya. Sinasanay din natin ang mga makakatanggap nito kung paanong intindihin, gamitin, at palaganapin ang impormasyon”.
Sa panahon ngayon, lumalago at umuunlad na nga ang Computer Science sa Pilipinas ang iisa lamang na hiling ng mga taong nakapagimbento at nakatulong sa paglago nito ay isang napakasimpleng bagay lamang. Ito ay ang paggamit nito ng para sa tama at maigamit ito ng wasto.