kaugnayan
sa ibang
larangan
Umpisahan natin sa medisina. Ang biology o biyolohiya ay tumatalakay sa pag-aaral ng mga bagay na may buhay. Mapapadali ang pag-aaral nito kung gagamit tayo ng makabagong teknolohiya. Halimbawa na lamang sa pag-oobserba ng DNA ng isang tao. Nangangailangan ito ng makina o kompyuter upang maanalisa ang bagay na ito. Napaka-imposible naman kung hindi tayo gagamit ng kompyuter sapagkat aabutin tayo ng ilang taon para lamang sa pag-aaral na ito. Healthcare o pangangalaga sa ating kalusugan ay may kaugnayan din sa Computer Science. Ito rin ay sa pamamagitan ng mga makina na ginagamit sa pagtukoy ng mga sakit. Mga makina na ginagamit sa laboratoryo, tulad ng pagkuha ng x-ray sa isang pasyente, CT-Scan at kung ano-ano pang kagamitan. Nakakatulong ito upang makapagbigay ng mataas na kalidad ng pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga tao sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
Sumunod ay ang Environmental Science o pag-aaral ng ating kapaligiran. Ang mga computer scientist ay gumagawa ng makabagong teknolohiya upang masusing mapag-aralan ang kapaligiran, pati na rin ang pag-aaral sa mga hayop. Nakakatulong rin ito upang masubaybayan ang ating mga karagatan, kagubatan, mga taniman, ilog pati na rin ang mga lungsod upang maunawaan natin kung papaano pangalagaan ang ating mundo at magamit ng maayos ang ating likas na yaman.
Ang matematika at computer science ay magkaugnay na larangan sapagkat ito ay tumatalakay sa lohikal na paraan ng pag-iisip. Sa marketing, advertising, fine arts, digital arts at lahat ng may kinalaman sa sining ay nakakatulong din ang computer science. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga computer graphics o mga imahe na nagagawa lamang sa pamamagitan ng kompyuter upang makaakit ng mga mamimili upang tangkilikin ang kanilang produkto. Maging sa mga pintor at taong mahihilig sa sining. Sa isang pindot mo lamang ay makagagawa ka na ng mga linya, mga hugis at maaari mo na rin itong kulayan ng walang kahirap-hirap. Maging sa larangan ng pagiging inhinyero ay nakakatulong din ito. Ito ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na magagamit ng isang inhinyero upang mapadali ang kanyang trabaho. Halimbawa na rito ang mga programa sa kompyuter na kung saan ay sa konting pagpindot mo ay makakagawa ka ng mga linya na kapag pinagsama-sama mo ay makakabuo ng tulay, bahay at kung ano-ano pa.
Maaari nating i-ugnay ang computer science sa lahat ng bagay na may kinalaman sa teknolohiya at sa mga pang-araw-araw nating pamumuhay. Sapagkat malaki ang naimbag nito sa atin. Sa mga kagamitan natin sa bahay; mga telebisyon, kompyuter, gadgets tulad ng cellphone at mga bagay na ginagamitan ng kuryente. Nakaambag rin ang ito sa pag-unlad ng medisina sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga gamot sa malulubahang sakit; mga bakuna; at bitamina na nakakapagpalakas sa atin. Marahil ay kakaunti pa lamang ang natutuklasan ng computer science dahil nakatuon ito sa pagsasaliksik ng mga bagay na may kinalaman sa kompyuter ngunit habang tumatagal ay padami ng padami ang naiiaambag nito sa ating pag-unlad. Ang pagiging computer scientist ay isa sa mga komplekadong trabaho dahil ito ay nakatuon sa pagiging lohikal o pagtuklas ng sagot sa problema sa lohikal na pamamaraan.
Ang ilan sa mga pinaka-nakakasabik na pananaliksik at propesyonal na mga pagkakataon ay nadiskubre dahil sa hangganan sa pagitan ng “Computer Science” at iba pang mga pang-agham na patlang. Biology, Environmental Science, at Healthcare ang ilan lamang sa mga halimbawa ng mga patlang na kung saan ang pangunahing computational problema ay umuusbong.
Ang Biology ay isang hinimok ng teknolohiya bilang agham dahil ito ay umaasa sa teknolohiya para sa pagmamasid ng tinatawag na ”Biological Phenomena” at ang pagbibigay kahulugan ng data na nakuha mula sa mga obserbasyon. Ang sequencing ng mga human genome ay isang halimbawa na hindi maaaring maging posible nang walang mga computer upang iproseso at pag-aralan ang napakalaking halaga ng genetic data. Ang ngayon-sikat na "Shotgun Sequencing" ay hindi sana naging posible nang walang mga computer. Sa panahon ngayon, ang mga genetics at iba pang mga kaugnay na mga larangan ng biology ay umasa ng malaki sa mga computational na mga pamamaraan. Bilang isang Computer Science na estudyante, naniniwala kami na ang mga computer ay maaaring maibago nang lubusan ang larangan ng biology. Sa katotohanan, karamihan sa mga biologist ay sumasang-ayon sa puntong ito, at mayroong katibayan na sumusuporta sa salaysay na ito.
Pagsusubaybay sa ating mga karagatan, kagubatan, mga sakahan, ilog, at maging ang ating mga lungsod ay kritikal sa pag-unawa kung paano upang mapanatili natin ang ating mundo at pangalagaan ang ating mga likas na yaman. Ang mga Computer Scientist ay malaki ang maiitulong sa mga gawaing ito, sila ay nagtatrabaho kasama ang mga Environmental Scientists, Oceanographers, Hydrologists, at mga Urban planners. Ang mga expert ng Computer Science ay nagdedevelop ng mga modernong teknolohiya para sa paguunawa ng ating kapaligiran at pagsusubaybay ng mga hayop.
Hindi kapani-paniwalang mga pag-uunlad ay nagawa sa pangangalaga ng kalusugan sa huling mga dekada. Marami sa mga ito ay umasa sa teknolohiya o sa pamamagitan ng paglalapat ng mga kakayahan sa computer sa agham ng problemang medikal. Ang pagma-map ng mga human genome ay possible lamang dahil sa mga algorithm na binuo sa pamamagitan ng mga Computer Scientists. Maraming mga medikal na pag-unlad ay umaasa sa aspeto ng tinatawag na “Computational Science”. Ang “Image Processing” at “Pattern Recognition Technology” ay karaniwan ngayong ginagamit upang suriin ang pag-scan ng radiology. Mga records ng Electronic Medicine at mga Physician Ordering System ay ginawa na ngayong on-line, upang mabawasan ang mga medikal na mga error at pagpapabuti ng kalidad ng pag-aalaga.
Ang Mathematics at ang Computer Science ay nauugnay sa mga larangan na kung saan madalas ito’y nakikipagbatid sa isa’t-isa . Ang isang undergraduate na major sa CS ay nangangailangan ng makabuluhang matematikong trabaho, at marami sa mga mag-aaral ay piniling pagsamahin ang pag-aaral ng matematika at CS kahit major pa man o minor lamang.
Nagsimulang magbago ang pamumuhay ng tao noong mabuo ang pinakaunang sibilisasyon sa daigdig sa lambak-ilog ng Mesopotamia. Bunsod nito, sunud-sunod na ang pag-usbong ng panibagong mga kabihasnan sa iba't-ibang dako ng mundo na syang umangat sa pamumuhay ng tao. Lalo pang naging isang malaking hakbang ang pagkakaroon ng malawakang pag-unlad di lamang sa ating pamumuhay ganun din maging sa ating kaisipan. Subalit higit na mas naging hudyat ng pag-unlad ang pagdating ng Rebolusyong Industriyal na syang naging simula ng paggawa ng tao ng mga bagay na makaaayon sa kanilang pamumuhay. Sa kasalukuyan, di natin maikakaila ang patuloy na pag-unlad ng iba't ibang industriya sa bansa at kalakip na rin nito ang pagtaas ng antas ng mga gamit na teknolohiya. Isang disiplina ang patuloy na umuunlad sa kasalukuyan, ito ay ang Computer Science.

Ano nga ba ang Computer Science? Ayon kay Denning(1997), ang disiplinang ito ay tumutukoy sa kaalaman sa pagkokompyut na may kinalaman sa sistematikong pag-aaral ng mga prosesong nakapaloob sa isang algorithm na naglalarawan sa pagbabagong anyo ng impormasyon: ang mga teorya, pag-aanalisa, paglikha ng disenyo, implementasyon, kahusayan ng mga datos na ito upang magamit sa isang aplikasyon. Ang disiplinang ito ay di lamang laganap dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya kundi maging ang pagkakaroon na rin ng malawak na oportunidad para sa mga propesyonal na tinatahak ang landas ng agham na ito. Kung noong una, itinuturing lamang ang Computer Science bilang isang larangang kaugnay lamang ang mga binary digits, taga manipula ng bawat simbolo at data processors lamang. Subalit, di naglaon sa tulong ng malawakang pangangailan ng sangkatauhan sa mga personal computers at ng Internet ay naipalaganap din nito na ang larangang ito ang siya ring nagiging daan ng pagkakaisa at komunikasyon. At dahil sa patuloy na paglaganap ng larangang ito, naging laganap na din ang kontribusyon ng disiplinang ito sa iba pang disiplina dahil sa mabilis na pagpo-proseso ang impormasyon. Dahil dito, naging daan din ito upang mas maging batikan ang iba't ibang prominenteng tao sa lipunan. Dahil ng sa kadahilanang mas napapadali ang trabaho ng bawat manggagawa at mas nagiging maayos din ito.
Narito ang mga larangang napagkalooban ng benepisyo ng Computer Science:
Naging tradisyon na sa larangan nito, mas naiuugnay ito sa matematika kaysa sa pisika, kimika at biyolohiya. Ito ay dahil sa mas kailangan ang kasanayang ito lalung-lalo na sa lohika upang magamit sa paggawa ng circuit design, mga algorithm upang masolusyunan ang mga equation at iba pang may kaugnay sa matematika upang mas lubusang mapaunlad ang larangang ito. Dahil dito, tinatawag din itong "Mathematical Science".
Samantalang ang bigkis na nag-uugnay sa pag-iinhenyero at Computer Science ay itinuturing ding matibay. Sa kadahilanang ang ito ay may malaking pamana sa Electrical Engineering at ito ay nakabuo ng mga algorithms upang mabuo o mabigyang solusyon ang isang engineering problem, halimbawa ay electronic circuits, telecommunications at iba paa. Sa kabilang banda, ang Computer Science ay nangangailangan din ng konseptong mula sa Elektrikal na Enginnering tulad na lamang ng circuit simulators, graphics, computer controlled tools at iba pa. Dahil dito, sinasabi din ng iba na ito ay maari ring tawaging "ENGINEERING SCIENCE".
Isa ding pagkakaugnay ang namumuo sa pagitan ng Computer Science at Physicaal Sciences. Nababatid ng taong nakapaligid dito ang pagsubok hinggil sa malawakan at mabilisang kalkulasyon ng mga bagay sa sitwasyong ito nagiging magkabalalay ito sa Computer Science dahilsila ay makatutulong upang makagawa ng algorithm upang maalalayan ang larangang ito. Sa mga sinasabing ito, naiuugnay din ang Computer Science bilang "Computational Science".
Hindi lamang natin maihahalintulad ang computer science sa mga larangang may kinalaman sa matematika at agham maari rin natin itong maiugnay sa iba pang mga larangan. Narito pa ang ilan sa mga halimbawa:
Library Science, ito ay may kinalaman sa pagtatago at pangngalaga sa mga natatanging sulat at pag-oorganisa at paggamit nito upang magkaroon ng mabisang access ang mga tao sa mga aklat. Bilang isang akalatang digital kailangan nilang bumuo ng isang sistemang nakakonekta sa Internet, gamit ito maaari nilang mapalitan ang storage ng mga aklat sa isang "electronic data centers" at sa tulong nito'y mabibigyan ng access ang mga mamamayan di lamang sa kanilang lokal na komunidad.
Management Science, ito naman ay tumutukoy sa paggamit ng mga computer upang makapagplano at maipahayag ang mga kasalukuyang kondisyon ng kanilang negosyo. Ito rin ay may kinalaman sa pagtatago ng mga records ng kanilang negosyo sa isang database atgamit nito'y makagagawa sila ng mabisang reports hinggil sa estado ng kanilang kabuhayan.
Economics, ito naman ay tungkol sa paggamit ng mga kompyuter sa paglalahad ng kondisyon ng ekonomiya at maggamit upang magkaroon ng ebalwasyon
sa mga posibleng epekto nito sa polisiyang nakapailalim sa makro-ekonomiks.
Ang Medisina at Biyolohiya naman ay gumagamit ng rin ng mga modelo ng computer upang makabuo ng malikhaing paraan sa pag-diagnose at panggamot ng mga sakit. Kabilang na dito ang pagkakaron ng Magnetic Resonance Scan, Coronary Scans at Tomography Scans. Nagiging mabisang paraan nadin ito upang madetect nila ang paglaganap ng mga delikadong virus at paggawa ng mga riserts ukol sa kalutasan nito. Nakatutulong na din ito sa pagtukoy ng DNA ng tao.
Ang Forensics din ay gumagamit ng larangang ito upang mailagay sa isang database ang mga ebidensya at sa pamamagitan nito matutukoy nila kung mag-mamatch ang mga ebidensya sa kanilang nakalap.
Sa Sikolohiya, Cognitive at Behavioral Sciences ay natutulungan din ng larangang ito. Sa tulong nito, mas higit nilang nauunawaan ang emosyon ng mga tao, nagagamit din ito upang magkaroon sila ng mga insights o ideya sa Nervous System at makalikha ng mga disenyong epektibo upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa pag-aaral na ito.
Lingwistika, natutulungan din ito ng Computer Science sa pagsasaling-wika ng isang salita patungo sa isa at ito ang nakatutulung upang maunawaan ang ginagampanang papel ng wika sa mga gawain ng tao.
Ang Humanidades din ay natutulungan ng larangang ito, sa pamamagitan nito mas napapadali sa kanila ang pagtukoy ng panahon kung kailan umusbong ang isang artifact o ang pagtukoy ng mga sinaunang sulat at ang pag-aakda nito.
Sa larangan naman ng Musika, marami na rin ang gumagamit na rin sila ng 3D Computers maanalisa ang mga genre ng isang awitin at upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga musikerong maimprove ang performance nila.
Sa Eksplorasyon, ginagamit ng NASA engineers at programmers ay gumagawa ng mga software codes araw-araw sa Mars upang matuklasan kung meron bang buhay na namumuo sa Mars.
Sa advertisements, mas napapadali na rin sa mga kompanya ang magpadala ng mga patalastas sa telebisyon para makuha ang atensiyon ng mga mamimili.
Sa komunikasyon, mas napapadali rin ang pakikipagsalamuha ng mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo. Nagiging mas madali para sa atin ang pakikipagtalastasan sa tulong ng iba’t-ibang uri ng software.
Ang larangang ito rin ay maari luminang sa kaisipan ng mga mag-aaral upang mag-isip ng kritikal. Nabubuo din dito ang kakayanan nilang mag-analisa, ganun din ang kakayanan nilang magkaroon ng kooperasyon at ang kakayanang magsalita ng walang pag-aalinlangan.